Doing Good Ministries
Mga Gawa 6 - 7

Arlo E. Moehlenpah
2011

Ito ay sariling pagsusuri buhat sa Kapitolo 6 - 7 sa libro ng Gawa. Bago mo suriin ang pagsagot sa mga katanungan sa ibaba iyo munang basahin ang Kapitolo sa biblia. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba at pagkatapos pindutin ang sinasabing "OK" para ipadala ang iyong kasagutan.


question 1

Ano ang tila pangunahing gawain ng mga apostol? (6:4)

A Panalangin at pag-aayuno
B Panalangin at ministeryo ng salita
C Samahan at pagpapalago ng iglesia
D Pagsasanay at pagtuturo
E Wala sa mga nabanggit

question 2

Ano ang isa sa mga katangian sa paghirang ng pitong itinalagang maglingkod araw-araw? (6:3)

A Edukasyon
B Karanasan sa paglilingkod sa hapag
C Mabuting ulat
D Mahinahong pag-iisip
E Wala sa mga nabanggit

question 3

Sino ang naglatag ng mga katangian upang piliin ang isa sa mga pito? (6:2-3)

A Apostlol
B Pangasiwaan ng Iglesia
C Kongregasyon
D Pedro
E Wala sa mga nabanggit

question 4

Sino sa pito, maliban kay Esteban, ang nabanggit sa sumunod na bahagi ng Aklat ng mga Gawa? (8:5)

A Filipe
B Prochoro
C Timon
D Parmenas
E Nicolas

question 5

Ano ang hindi natutulan ng mga nakipagtunggali kay Esteban sa kanyang pagmiministerio? (6:10)

A Ang kanyang kaalaman sa kasulatan
B Ang mga tanda at kababalaghan na kanyang ginawa
C Ang karunungan at kapuspusan sa kanyang pagsasalita
D Ang dami ng kanyang mga naakay
E Wala sa mga nabanggit

question 6

Sa paratang ng mga Judio laban kay Esteban, sino ang tinutukoy nilang pinupusong niya? (6:11-14)

A Moses
B Diyos
C Kautusan
D Lahat ng naunang nabanggit
E Wala sa mga nabanggit

question 7

Ano ang kakaiba kay Esteban ng siya'y humarap sa konseho? (6:15)

A Kinailangang takpan ang kanyang mukha
B Ang kanyang mukha ay gaya ng sa isang anghel
C Nagsalita siya ng ibang wika
D Nagkakabaha-bahaging dila na gaya ng apoy ay nakita sa kanyang ulunan
E Wala sa mga nabanggit

question 8

Wala sa mga nabanggit

A 1
B 40
C 120
D 400
E Wala sa mga nabanggit

question 9

Sinong tauhan sa Lumang Tipan ang hindi nabanggit ni Esteban sa kanyang pagtatanggol? (7:2,8,9,20,40,45,47)

A Abraham
B Elijah
C Jacob
D Jose
E Solomon

question 10

Sa buhay ni Moses, may tatlong yugto na tigiilang taon? (7:23,30,36)

A 25
B 30
C 40
D 50
E Wala sa mga nabanggit

question 11

Sinong tauhan ang ginamit ni Esteban, upang ipakita ang patuloy na paghihimagsik ng bayang Israel sa Diyos sa pamamagitan ng pag-usig sa mga propeta? (7:9,27,35,39)

A Job and Jeremias
B Eliseo and Elias
C Jose and Moses
D Lahat ng naunang nabanggit
E Wala sa mga nabanggit

question 12

Papaano isinalarawan ni Esteban ang konseho ng mga Judio? (7:51)

A Matigas ang ulo
B Hindi tuling puso at tainga
C Paglaban sa Espiritu Santo
D Lahat ng naunang nabanggit
E Wala sa mga nabanggit

question 13

Ano ang kanilang naging reaksyon sa mga paratang na ito? (7:54)

A Binugbog s'ya
B Nagngalit ang kanilang mga ngipin at sinugod s'ya
C Siya'y ikulong
D Pinagsabihan siya na huwag nang ituro at ipangaral ang Pangalang Hesus
E Wala sa mga nabanggit

question 14

Sa anong kalagayan nakita ni Esteban si Hesus ng bumukas ang langit? (7:56)

A Nakaluhod
B Nakahiga
C Nakaupo
D Nakatayo
E Wala sa mga nabanggit

question 15

Sino ang pinaglagakan ng damit ng mga bumato kay Esteban? (7:58)

A Barnabas
B Pedro
C Filipe
D Saulo
E Wala sa mga nabanggit

question 16

Ano ang sinalita ni Esteban bago siya mamatay na kahalintulad ng winika ni Hesus bago siya namatay? (7:60)

A Huwag ninyo akong tangisan bagkus tangisan ninyo ang inyong sarili at ang inyong mga anak
B Kung ginawa nila ito sa sariwang puno, ano ang magagawa nila sa tuyo?
C Naganap na!
D Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito
E Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?

Salamat sa iyo para sa paglalaan ng pagsubok.